wala lang
kapag nakapinid na ang pintuan ng langit
at ang mga tala ay di na makasilip
ang buwan man ay tuluyan nang naidlip
nailibing na ng lungkot sa gabing madilim
bakit ang oras ay pasulong lamang?
samantalang naibabalik naman ang kamay ng orasan
bakit di magawang ulitin ang panahon?
gayong parang kailan lang naman ang kahapon
may mga pangarap na di kaya ng himala
maging sa panaginip ay ipinagluluksa
kalungkutang paulit-ulit kumikitil sa pag-asa
nakasalig sa pait, dinidilig ng luha
panunghan mo o buwan sa gilid ng bangin
ang dalit ng sawi sa kandungan ng anghel
binigyang-laya ang mapangarap na damdamin
kapalit ma’y dusa at laksang panimdim
tulad ng isang bulalakaw, ako’y lilipad
nagliliyab man ang aking katawan
at masulyapan lamang ng aking pangarap,
maligaya nang sasanib sa tahimik na kawalan
on March 28th, 2009 at 9:32 am
hmmmmm